Ancestral house nasunog
@Balitang Probinsiya | April 19, 2022
AKLAN – Isang ancestral house ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog kamakalawa sa Bgy. Oyotorong Ibabaw, Kalibo sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad ang may-ari ng ancestral house na residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakita umano ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa ancestral house at mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente, at ayon sa ulat ay aabot sa mahigit P2 milyon ang napinsala sa naganap na sunog.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog sa naturang bahay.



Comments