Anak sinumpak ng tatay, patay
- BULGAR

- Jul 15, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 15, 2020
ISABELA—Isang anak ang pinatay sa ng kanyang ama kamakalawa sa Bgy. Calima Turod, Cordon.
Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala ng sumpak sa ulo ay nakilalang si Nikko Jay Agustin, 28-anyos, nakatira sa Bgy. Centro 1, San Guillermo, samantalang ang suspek ay ang ama nitong si Eusebio, 78-anyos, residente ng Bgy. Calima Turod, Cordon, kapwa sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, pinuntahan ni Nikko si Eusebio para kunin ang dokumento sa mga alaga nilang baka, pero tumanggi ang suspek at dahil dito nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama.
Nabatid na habang nagtatalo ay inilabas ni Nikko ang dala niyang sumpak, pero naagaw ito ng ama at agad binaril sa ulo ang anak.
Kusa namang sumuko sa pulisya si Eusebio matapos mapatay ang biktima.



Comments