Anak, sinaksak ng ama
- BULGAR
- Feb 2, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | February 02, 2022
AKLAN–Sugatan ang anak nang saksakin ng kanyang ama kamakalawa sa Bgy. Navitas, Numancia.
Nakilala ang biktimang nagtamo ng saksak sa katawan na si Glen Alicante, 37-anyos, samantalang ang suspek ay ang ama niyang si Jose, 66-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.
Matapos ang pananaksak ay kusang sumuko sa pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong attempted parricide.
Ginagamot na sa ospital ang biktima.



Comments