top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Anak, pinatay ng ama

BULGAR
Jun 30, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 30, 2022


CAMARINES SUR—Isang 28-anyos na anak ang namatay nang tagain ng kanyang ama kamakalawa sa Bgy. Maysalay, Goa.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Wilson Alemania, samantalang ang suspek ay ang ama nito na si William, 55-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang mag-ama na humantong para kumuha ng itak at pagtatagain ng suspek ang biktima.


Matapos ang pananaga sa anak ay kusang-loob na sumuko sa pulisya ang suspek.


Nakapiit na ang suspek at nakatakdang sampahan ng parricide.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page