top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Anak, pinatay ng ama

BULGAR
Jun 17, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 17, 2022


MAGUINDANAO–Patay ang 25-anyos na anak na lalaki nang barilin ng kanyang ama kamakalawa sa Bgy. Kamasi, Ampatuan.


Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng mga tama ng shrapnels sa katawan na si Jolly Latumbo, samantalang ang suspek ay ang ama niyang si Rexis, 57-anyos, kapwa nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama hanggang sa suntukin ng biktima ang kanyang ama.


Sa galit ni Rexis sa panununtok ng kanyang anak ay kinuha nito ang kanyang shotgun at binaril ang biktima.


Matapos ang pamamaril ay tumakas ang suspek, samantalang namatay sa mismong pinangyarihan ng krimen ang biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page