Anak na pumatay sa ama, timbog

@Balitang Probinsiya | March 11, 2021
CAGAYAN—Arestado ang 26-anyos na binata dahil sa panggugulpi at pagpatay sa kanyang ama kamakalawa sa Bgy. Tupang, Alcala.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Alexis Deprosa, samantalang ang biktima ay ang ama niyang si Reynaldo, 59-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama na humantong para bugbugin ng suspek ang biktima.
Matapos mapatay sa gulpi ay nagtangkang tumakas si Alexis, pero nadakip siya ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya.
Nakapiit na sa detention cell ng pulisya si Alexis na nahaharap sa kasong parricide.



Comments