top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Ama tinodas sa harap ng anak

BULGAR
Jan 6, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 6, 2023


MASBATE—Isang 53-anyos na ama ang pinatay sa harap ng kanyang anak nang pagbabarilin ng apat na armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Guinbanuahan, Balud.


Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan at nakilalang si Elias Entila, residente ng nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, habang naglalakad si Elias at kasama ang kanyang menor-de-edad na anak nang sumulpot ang apat na suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page