top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ama, tinodas ng bagets na anak

BULGAR
Jul 16, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 16, 2022


NORTH COTABATO—Isang ama ang namatay nang saksakin ng kanyang anak na binatilyo kamakalawa sa Bgy. Ulamian, Libungan.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay kinilalang si Rafael Edlang, 44-anyos, samantalang ang suspek ay ang anak nitong 15-anyos na itinago sa pangalang "Totoy," kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama na humantong para pagsasaksakin ng suspek ang biktima.


Kaagad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page