Ama pinukol ng bato sa ulo ng anak
- BULGAR
- Mar 11, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | March 11, 2023
AKLAN—Isang 56-anyos na ama ang sugatan nang pukulin ng bato sa ulo ng kanyang anak na binata kamakalawa sa Bgy. Laserna, Nabas sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng kanilang pamilya, ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang amang biktima at anak na suspek, kapwa residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama hanggang kumuha ng bato ang suspek at ibinato ito sa biktima na tinamaan sa ulo.
Sa pag-aakalang napatay niya ang kanyang ama ay nagtangkang tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng mga nagrespondeng awtoridad.
Ginagamot na ngayon sa ospital ang biktima, samantalang nakapiit na sa himpilan ng pulisya ang suspek.



Comments