top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ama na umawat sa away, patay sa saksak

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 10, 2022

ILOCOS SUR–Isang ama na umawat sa away na kinasasangkutan ng kanyang anak ang napatay sa saksak kamakalawa sa bayan ng Burgos.


Nakilala ang biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Alfredo Decano, Sr., samantalang ang suspek ay si Danilo Foronda, kapwa nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nakaaway ni Foronda ang anak ni Alfredo na si Alberto at nang pumagitna ang biktima para umawat ay ito ang napagbalingang pagsasaksakin ng suspek.


Dinala pa ng mga saksi si Alfredo sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Kaagad namang nadakip ng mga nagrespondeng pulisya ang suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page