top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Ama dinedbol ng anak

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 8, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 8, 2023


NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 59-anyos na ama ang namatay nang saksakin ng kanyang anak kamakalawa sa Bgy. III-Poblacion, Himamaylan City sa lalawigang ito.


Sa kahilingan ng kanilang pamilya ay hindi na pinangalanan ang biktima at ang suspek.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama na humantong para pagsasaksakin ng suspek ang biktima.


Agad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Kusang sumuko naman sa pulisya ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong parricide.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page