Ama dinedbol ng anak
@Balitang Probinsiya | April 30, 2022
ILOILO – Isang 56-anyos na ama ang namatay nang tagain ng kanyang anak kamakalawa sa Bgy. Badlan Pequeno, Calinog sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng taga sa katawan na si Leo Lebuna, samantalang ang suspek ay ang anak nito na itinago sa alyas na “Ray”. nasa hustong gulang at kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama na humantong sa pananaga ng suspek sa biktima.
Agad namang nadakip ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya ang suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong parricide.



Comments