Ama at 3 anak sugatan sa aksidente
@Balitang Probinsiya | Enero 11, 2023
AKLAN—Sugatan ang isang ama at tatlo niyang anak na menor-de-edad nang aksidenteng bumangga ang kinalululanan nilang motorsiklo sa isa rin motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Tugas, Makato.
Kinilala ang sugatang ama na si Sonny Pilar, 44-anyos, samantalang hindi na pinangalanan ang tatlo niyang anak na pawang menor-de-edad at mga residente sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Pilar sa pagmamaneho ng motorsiklo habang kaangkas ang kanyang tatlong anak kaya bumangga sila sa kasalubong na motorsiklo.
Nabatid na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktima at sa kasalukuyan ay ginamot na sila sa ospital.
Hindi na rin pinangalanan ang driver ng motorsiklong nakabanggaan ng mga biktima, dahil nangako itong sasagutin ang gastusin ng mag-aama sa pagamutan.



Comments