Akyat-bahay member nasakote
@Balitang Probinsiya | October 11, 2022
PALAWAN—Isa sa mga miyembro ng "Akyat-Bahay Gang" na nanloob sa bahay ang nadakip kamakalawa ng pulisya sa Bgy. Tabon, Quezon.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Kimson Dalasa, 38-anyos at residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, may mga saksi na nakakita na isa si Dalasa sa mga nanloob sa bahay sa naturang lugar kaya agad itong dinakip ng mga awtoridad.
Nabatid na hindi naman nanlaban si Dalasa nang arestuhin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng pulisya at nahaharap sa mga kaukulang kaso.
Pinaghahanap pa ng tauhan ng pulisya ang mga kasamahan ni Dalasa sa pagnanakaw sa nasabing lugar.



Comments