Adik na tumakas sa checkpoint, naaksidente
@Balitang Probinsiya | February 17, 2022
CATANDUANES–Isang drug addict na rider na tumakas sa police checkpoint ang sugatan nang bumangga sa poste ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Marcelo, Virac.
Kinilala ang suspek na si Christian Gonzales, 21-anyos at residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, napadaan sa police checkpoint si Gonzales na nagmamaneho ng motorsiklo habang kaangkas ang kaibigan at dahil may dala siyang shabu ay hindi ito huminto.
Dahil dito, hinabol ng mga awtoridad si Gonzales at kaibigan nito hanggang sa aksidenteng bumangga sa poste ang sinasakyan nilang motorsiklo.
Dinala ng mga awtoridad si Gonzales sa ospital at nakumpiskahan ito ng pakete ng marijuana, samantalang pinaghahanap pa ng mga operatiba ang kaibigan nitong nakatakas sa naturang lugar.



Comments