Adik na kawatan nasakote
@Balitang Probinsiya | October 12, 2022
BATANGAS—Isang drug addict na magnanakaw ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Sabang, Lipa City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jonal Bacolando, 23-anyos at residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na inaresto ng pulisya si Bacolando dahil sa pagnanakaw ng tatlong laptop sa eskwelahan sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nang kapkapan ng mga awtoridad si Bacolando ay nakumpiskahan ito ng sachet ng marijuana.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong theft at paglaban sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments