Abu Sayyaf member sumurender
@Balitang Probinsiya | September 10, 2022
BASILAN—Isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Tipo-Tipo Proper, Tipo-Tipo.
Ang sumukong terorista ay itinago sa alyas na Muwadz, miyembro ng ASG na nakabase sa nasabing lalawigan.
Nabatid na isinuko rin sa mga awtoridad ng terorista ang dala niyang mga armas at mga pampasabog.
Ayon sa sumukong terorista, nais na niyang makapiling ang kanyang pamilya kaya nagpasya siyang magbalik-loob sa gobyerno.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang sumukong ASG member upang matiyak na bukal sa kaniyang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments