Abu Sayyaf member, sumuko
- BULGAR
- Jun 24, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | June 24, 2023
ZAMBOANGA CITY -- Isang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Muti sa lungsod na ito.
Para sa kanyang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang sumurender na miyembro ng ASG na nakabase sa Zamboanga Del Sur.
Ayon sa ulat, isinuko rin sa mga awtoridad ng terorista ang dala nitong armas at pampasabog.
Sinabi ng ASG member na nais na niyang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob na siya sa gobyerno.
Isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang terorista upang matiyak na bukal sa kanyang kalooban ang pagsuko sa pamahalaan.



Comments