top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Abu Sayyaf member, dedo sa engkuwentro

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 31, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 31, 2020



BASILAN—Isang terorista ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Abu Sayyaf Group (ASG) kamakalawa sa Bgy. Felang, Ungkaya Pukan.


Ang napatay na terorista ay nakilalang lang sa alyas Botak, miyembro ng ASG na nakabase sa lalawigan.


Nagpapatrulya umano ang tropa ng pamahalaan nang pagbabarilin sila ng grupo ni Botak at dahil dito ay agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang nasabing terorista.


Nang makitang patay na si Botak ay mabilis na tumakas ang mga kasamahan nitong terorista.


Sa kasalukuyan ay patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na miyembro ng ASG.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page