Search
  • BULGAR

ABS-CBN, nanganganib maipasara nang tuluyan

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 29, 2020




Namumurong maipasara nang tuluyan ang Kapamilya Network dahil sa patuloy na pagsasaere nito ng mga ABS-CBN shows sa pamamagitan ng cable at satellite television sa kabila ng pasong prangkisa.

Ayon kay National Telecommunication Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba, sakop ng cease and desist order na inihain laban sa ABS-CBN ang Amcara Broadcasting Network na patuloy na nagsasaere ng ilang shows ng Kapamilya Network sa Channel 43.

Aniya, "Dapat ay hindi po nila ginagawa iyon dahil iyong ABS-CBN franchise na binanggit ninyo ay expired na. Mali po iyong ginagawa nila. That is a violation of the CDO (cease and desist order)."

Dagdag pa ni Commissioner Cordoba, "Ang sabi po ng Office of the Solicitor General is tama nga, kasama nga po ito at puwede po kaming mag-issue ng alias cease-and-desist order.

"Dahil kakatanggap lang po namin kaninang umaga, inaaral na po ng aming legal department at kung saka-sakaling okay naman po ang kanilang pag-aaral, we will issue forthwith iyong aming alias cease-and-desist order."

Samantala, nagbabala naman ni Solicitor General Jose Calida na maaaring humarap sa kasong graft ang NTC officials sa patuloy na pag-operate ng ABS-CBN sa kabila ng expired nitong prangkisa.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.