91-anyos, dedbol sa sunog
@Balitang Probinsiya | January 19, 2022
CAPIZ–Isang 91-anyos na lola ang namatay sa naganap na sunog kamakalawa sa Bgy. Tawoh, Sigma.
Kinilala ang biktima na si Remedios Abal, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, biglang sumiklab ang sunog sa bahay ni Abal at hindi agad nakalabas ng bahay ang biktima.
Nang dumating ang mga bumbero at maapula ang apoy ay nakita sa loob ng bahay ang sunog na bangkay ng biktima.
May hinala ang mga awtoridad na faulty wiring ang sanhi ng sunog sa bahay ng biktima.



Comments