top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

9 Tomador sa Kalibo Pastrana Park, tiklo

  • BULGAR
  • Nov 11, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | November 11, 2022


AKLAN—Siyam na lalaki ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nag-iinuman kamakalawa sa Kalibo Pastrana Park, sa bayan ng Kalibo.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Noe Apolinario, Ranzel Singcay, Rour Bito, Arjay Rota, Jayvee Villorente, Dave Inocencio, Mark Cabal, Mark Diala at Eric dela Cruz, pawang residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, nahuli sa akto ng mga nagpapatrulyang pulisya ang mga suspek habang nag-iinuman sa Kalibo Pastrana Park.


Nabatid na may ordinansa sa nasabing bayan na bawal mag-inuman ng alak sa naturang park.

Napag-alamang mga kasong paglabag sa liquor ban at public intoxication under public order ang isasampang kaso laban sa siyam na suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page