top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

9 katao, sugatan sa bumaliktad na e-trike

BULGAR
Oct 14, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 14, 2022


AKLAN—Siyam katao ang sugatan nang aksidenteng bumaligtad ang kinalululanan nilang e-trike (electric tricycle) kamakalawa sa Bgy. Manoc-Manoc, Boracay Island.


Sa siyam na biktima, tanging ang driver pa lang ng e-trike ang kinilala ng mga awtoridad sa pangalang Ariel Tablate, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng e-trike si Tablate habang nakalulan dito ang walo niyang pasahero hanggang sa bumaligtad ang naturang sasakyan.


Kaagad dinala ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan at kasalukuyan na silang ginagamot sa ospital.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na aksidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page