top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

85-anyos na lolo, dedbol sa motorsiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 22, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | June 22, 2023



NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 85-anyos na lolo ang namatay nang aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Caduhaan, Cadiz City sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Jose Medida, nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang rider ng motorsiklo kaya nabangga nito ang biktimang tumatawid sa kalsada.


Nabatid na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at katawan si Medida.


Dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival, habang hindi pinangalanan ang rider ng motorsiklo matapos mangakong sasagutin ang gastos at danyos sa nasawing lolo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page