8 komunista, sumuko
@Balitang Probinsiya | February 1, 2022
SULTAN KUDARAT–Walong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko kamakalawa sa pamahalaan sa Bgy. Tebpuan, Lebak.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong komunista na nakabase sa nasabing lalawigan.
Napag-alamang isinuko rin sa mga awtoridad ng mga komunista ang mga dala nilang mga armas at mga subersibong dokumento.
Ayon sa mga sumukong NPA, ay nais na nilang magbagong-buhay at makapiling ang kanilang mga pamilya kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.
Isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments