top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

8 bomba, narekober sa kuta ng NPA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 9, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 9, 2023


CAGAYAN -- Narekober ng mga awtoridad ang walong bomba sa kuta ng mga komunistang New People’s Army (NPA) kamakalawa sa bulubunduking lugar ng Bgy. Agaman Norte, Baggao sa lalawigang ito.


Ang mga narekober ay ang walong IED o improvised explosives device na ginagamit ng mga NPA sa pagpapasabog sa tropa ng pamahalaan.


Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad patungkol sa kuta ng mga NPA sa nasabing lugar.


Agad na sinalakay ng tropa ng pamahalaan ang nabanggit na lugar, pero nakatakas ang mga NPA at dito natagpuan ang walong bomba ng mga komunista.


Nabatid na patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na NPA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page