top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

7 tiklo sa poker

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 26, 2023


LAGUNA — Pitong sugarol ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsusugal ng poker kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Biñan City sa lalawigang ito.


Itinago muna ng pulisya ang mga suspek sa mga alyas na Richmar, Alfred, John Paul, Karen, Samuel, Juanito, at Carl Oscar, pawang nasa hustong gulang.


Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa himpilan ng pulisya na may mga nagsusugal sa nasabing lugar kaya agad sinalakay ng mga operatiba ang gambling den at dito nadakip ang pitong sugarol.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa pitong suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page