7 sugarol, timbog sa tupada
- BULGAR

- Dec 9, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 9, 2020
BATANGAS—Pitong sabungero ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagtutupada kamakalawa sa Bgy. Balagtas, Batangas City.
Nakilala ang mga suspek na sina Henry Dote, Rolly Panopio, Noli Panopio, Salustiano Delenia, Raymart Avelgas, Juanito Bathan, at Julio Antonio, pawang nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na may kalalakihan natu-tupada sa nasabing barangay kaya agad nagsagawa ng pagsalakay ang mga awtoridad at dinakip ang mga suspek.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa pag-iingat ng mga suspek.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa mga suspek.



Comments