top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

7 sugarol timbog sa tong-its

BULGAR
Sep 18, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 18, 2022


ILOCOS NORTE—Pitong sugarol ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagto-tong-its kamakalawa sa Bgy. 6-San Juan Bautista, San Nicolas.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa himpilan ng pulisya na may mga nagsusugal sa nasabing lugar, kaya agad sinalakay ng mga operatiba ang gambling den at dito nadakip ang pitong sugarol, samantalang nakatakas naman ang iba pang suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa pitong sugarol.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page