top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

7 komunista, sumuko sa pamahalaan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 9, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | January 9, 2021



TARLAC—Pitong miyembro ng komunistang New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Mayantoc.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong NPA.


Napag-alamang isinuko rin ng mga komunista ang mga dala nilang baril, bala at subersibong dokumento sa Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict na nakabase sa lalawigan.


Sinabi ng mga sumukong NPA na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagpasya silang sumuko sa pamahalaan.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong komunista para matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa gobyerno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page