top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

69 sabungero, tiklo sa ilegal na sabungan

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 26, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 26, 2022

PANGASINAN–Animnapu’t siyam na sabungero sa ilegal na sabungan ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Malayo, Urbiztondo.


Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang mga suspek habang iniimbestigahan pa sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad na may mga nagsasagawa ng ilegal na sabong sa naturang lugar, kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dinakip ang mga suspek.


Napag-alamang nakatakas ang iba pang sabungero at pinaghahanap na sila ng mga awtoridad.


Nakakumpiska ang mga operatiba ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa pag-iingat ng limang sabungero na pawang nahaharap sa kasong illegal gambling.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page