top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

69 Mangingisda, tiklo sa illegal fishing

BULGAR
Jul 29, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 29, 2022

PALAWAN—Animnapu’t siyam na mangingisda ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagsasagawa ng illegal fishing kamakalawa sa karagatang sakop ng Bgy. Cabunlawan, Linapacan.


Hindi muna pinangalanan ang mga naarestong suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek dahil sa pangingisda sa nasabing karagatan nang walang kaukulang permit mula sa lokal na pamahalaan.


Hindi nanlaban at kusang sumama sa pulisya ang mga naarestong suspek.


Nakapiit na ang mga suspek at sinampahan na sila ng pulisya ng kasong paglabag sa illegal fishing.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page