6 tulak, timbog sa 2 Barangay

@Balitang Probinsiya | November 14, 2020
PAMPANGA—Anim na drug pushers ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa dalawang barangay sa Angeles City.
Nakilala ang mga suspek na sina Noel Nacpil, Rhealyn Sanchez, Mark Meneses, Remegio Saratan, Roel Carlos at Rely Gumabon, pawang residente sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation sa Bgy. Claro M. Recto at Bgy. Sta. Trinidad, kapwa sa nasabing lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mahigit 16 na gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments