6 tulak arestado sa drug den
@Balitang Probinsiya | September 26, 2022
ZAMBALES—Anim na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa isang drug den sa Bgy. Calapacuan, Subic.
Nakilala ang mga suspek na sina Alexander Aberia, Edgardo Montilla, Mike Berto, Joven Dumolot, Martine Panganiban at Kimberly Quinto, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa naturang lalawigan.
Nabatid na may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang bahay ni Aberia, kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug pusher.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 159gramo ng shabu sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments