6 sugarol, timbog sa tong-its
- BULGAR

- Nov 9, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 9, 2020
NUEVA ECIJA—Anim na sugarol ang dinakip ng mga awtoridad nang mahuli sa aktong nagsusugal ng tong-its kamakalawa sa Bgy. Sta. Rita, Quezon.
Kinilala ang mga suspek na sina Eduardo Castillo, Tarcila Cayaban, Catherine Doronio, Marian Domingo, Evelyn Castillo at Teresita de Leon, pawang nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na nahuli sa akto ng mga awtoridad ang mga suspek sa nagsusugal ng tong-its sa naturang barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa mga suspek.



Comments