6 sabungero timbog sa tupada
@Balitang Probinsiya | Enero 11, 2023
BATANGAS—Anim na sabungero ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa tupadahan sa Bgy. Dalipit West, Cuenca.
Hindi muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad na may nagsasagawa ng ilegal na sabong sa naturang lugar kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba saka nadakip ang anim na suspek, samantalang mabilis namang nakatakas ang iba pang sabungero.
Nakakumpiska ang mga operatiba ng mga manok na panabong, cash at mga tari.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong illegal gambling, samantalang pinaghahanap pa ng pulisya ang ibang nakatakas na sabungero.



Comments