6 miyembro ng BIFF, sumuko
- BULGAR
- Jan 26, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | January 26, 2022
NORTH COTABATO–Anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Pikit.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong terorista na pawang miyembro ng BIFF na nakabase sa nasabing lalawigan.
Nabatid na isinuko rin sa mga awtoridad ng mga terorista ang mga dala nilang mga armas at pampasabog.
Sinabi ng mga sumukong BIFF na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.
Isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong BIFF upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments