6 Miyembro ng Abu Sayyaf, sumurender
@Balitang Probinsiya | July 19, 2022
SULU—Anim na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Bonbon, Patikul.
Ang mga sumukong terorista ay kinilala lang sa mga alyas na Den, Jimar, Seb, Din, Radin at Ameh, pawang nasa hustong gulang at mga miyembro ng ASG na nakabase sa nasabing lalawigan.
Nabatid na isinuko rin sa mga awtoridad ng terorista ang dala niyang mga armas at mga pampasabog.
Ayon sa mga sumukong terorista, nais nilang makapiling ang kanilang pamilya kaya nagpasya silang magbalik-loob sa gobyerno.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong ASG upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments