top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

50 teroristang BIFF, sumurender

Writer: BULGAR
BULGAR
May 15, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 15, 2023



MAGUINDANAO DEL NORTE—Limampung miyembro ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan, kamakalawa sa bayan ng Parang sa lalawigang ito.


Para sa kanilang seguridad, hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong terorista na pawang miyembro ng BIFF na nakabase sa lalawigan.


Ayon sa ulat, isinuko rin sa mga awtoridad ng mga terorista ang mga dala nilang mga armas at pampasabog.


Sinabi ng mga sumukong BIFF members na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.


Isinasailalim pa ngayon sa taktikal na interogasyon ang 50 sumukong terorista upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page