top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

5 tulak, arestado sa drug den

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 31, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 31, 2023


ILOILO -- Limang pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa isang drug den sa Bgy. Boulevard, Molo District, Iloilo City sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang isang bahay sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug pusher.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 17 pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page