5 Tulak, arestado sa drug den
@Balitang Probinsiya | July 4, 2022
COTABATO CITY—Limang bigtime drug pushers ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa drug den sa Bgy. Datu Balabaran.
Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang isinasailalim sila sa masusing imbestigasyon.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ng mga drug pushers ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 16 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa nasabing barangay.



Comments