top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

5 NPA sumuko

  • BULGAR
  • May 21, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | May 21, 2022


MAGUINDANAO – Limang miyembro ng komunistang New People's Army (NPA) ang sumuko kamakalawa sa pamahalaan sa bayan ng Upi sa lalawigang ito.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong komunista na pawang miyembro ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.


Napag-alaman na isinuko rin sa mga awtoridad ng mga komunista ang mga dala nilang mga armas at mga subersibong dokumento.


Ayon sa mga sumukong NPA, ay nais na nilang magbagong-buhay at makapiling ang kanilang mga pamilya kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.


Isinasailalim pa ngayon sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page