5 Miyembro ng NPA, sumurender
@Balitang Probinsiya | June 2, 2022
SULTAN KUDARAT–Limang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko kamakalawa sa pamahalaan sa Bgy. Hinalaan, Kalamansig.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ang mga sumukong komunista.
Nabatid na isinuko rin nila sa mga awtoridad ang kanilang mga dalang baril at mga subersibong dokumento.
Anila, nais na nilang magbagong-buhay kaya nagpasya silang sumuko sa gobyerno.
Isinasailalim na sila sa taktikal na interogasyon upang masigurong bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments