top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

5 May dayang timbangan, kinumpiska sa palengke

BULGAR
May 15, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 15, 2022


ZAMBALES – Limang may dayang timbangan ang kinumpiska ng mga awtoridad kamakalawa sa public market ng Subic sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad ang limang tindera na nakumpiskahan ng mga timbangang may daya.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang local price coordinating council ng DTI (Dept. of Trade and Industry) at lokal na pamahalaan na may daya ang mga timbangan sa naturang palengke.


Dahil dito, agad nagsagawa ng surprise inspection sa palengke ang mga awtoridad at dito nalaman na may daya ang limang timbangan na pag-aari ng limang tindera.


Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ng mga awtoridad ang limang tindera dahil sa paggamit ng mga timbangang may daya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page