5 Mangingisda huli sa illegal fishing
@Balitang Probinsiya | August 23, 2022
SORSOGON—Limang mangingisda ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagsasagawa ng illegal fishing kamakalawa sa karagatang sakop ng Bgy. Del Pilar, Capalonga.
Pansamantalang hindi muna pinangalanan ang mga naarestong suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek dahil sa paggamit ng manipis na lambat sa pangingisda sa nasabing karagatan.
Hindi naman nanlaban at kusang sumama sa pulisya ang mga naarestong suspek.
Nakapiit na ang mga suspek at sinampahan na sila ng pulisya ng kasong paglabag sa illegal fishing.



Comments