5 komunistang NPA, sumuko

@Balitang Probinsiya | March 4, 2021
NORTH COTABATO—Limang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Magpet.
Hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong komunista para sa kanilang seguridad.
Nabatid na isinuko rin ng mga NPA ang mga dala nilang baril, bala at subersibong dokumento sa 102nd Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) na nakabase sa nasabing lalawigan.
Ayon sa mga sumukong miyembro ng NPA, nais na nilang magbagong-buhay kaya nagpasya silang magbalik-loob sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong komunista upang masigurong bukal sa kanilang kalooban ang pagbaballik-loob sa gobyerno.



Comments