top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

5 kelot, timbog sa marijuana

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 18, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | February 18, 2022

KALINGA--Limang lalaki ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan sila ng marijuana kamakalawa sa polkice checkpoint sa Bgy. Dangoy, Lubuagan.


Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya na sina Mark Aguilar, Andre Punsalan, Ramil dela Cruz, Alvin Medel at Mark dela Pena, pawang nasa hustong gulang at mga residente ng Pampanga.


Nabatid na inaresto ng mga awtoridad ang mga suspek nang makumpiskahan ng 17 pakete ng marijuana at mga drug paraphernalia sa police checkpoint.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa nasabing lugar.


Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page