5 kabahayan, naabo
@Balitang Probinsiya | July 29, 2023
NEGROS OCCIDENTAL — Limang bahay ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog kamakalawa sa Bgy. Manta-angan, E.B. Magalona sa lalawigang ito.
Ang sunog ay nagmula sa tahanan ng pamilya Chan na residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nakita na lamang ng mga residente na biglang sumiklab ang apoy sa bahay ng pamilya Chan at dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay nadamay ang apat pang kabahayan sa naturang lugar.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsala sa nangyaring sunog.



Comments