5 Bahay tinupok ng apoy
@Balitang Probinsiya | May 22, 2022
CAMARINES SUR – Limang bahay ang tinupok ng apoy sa naganap na sunog kamakalawa sa Bgy. Bagumbayan Sur, Naga City sa lalawigang ito.
Ang sunog ay nagmula umano sa bahay ng pamilya De Vera na residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nakita umano ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog na nagmula sa bahay ng pamilya De Vera at mabilis na kumalat ang apoy kaya nadamay sa nasunog ang apat pang kabahayan.
Nabatid na nakaresponde agad ang mga bumbero kaya makalipas ang ilang oras ay naapula rin ang apoy.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente, at sa ngayon ay inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog.



Comments