48 sabungero, arestado sa tupada
- BULGAR
- Mar 3, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | March 3, 2022
LAGUNA–Nasa 48 sabungero ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa tupadahan sa Bgy. Sto. Domingo, Bay.
Pansamantalang hindi muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad na may mga nagsasagawa ng iligal na sabong sa naturang lugar, kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito nadakip ang mga suspek.
Nakakumpiska ang mga operatiba ng mga manok na panabong, cash at mga tari.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong illegal gambling.



Comments